Mga Anyong Tubig
Sabado, Hulyo 19, 2014
Mga Anyong Tubig
Anyong Tubig
Ang bansang Pilipinas ay nagtataglay ng likas na yaman, isa na dito ang mga Anyong Tubig
Ngunit anu-ano nga ba ang mga anyong tubig?
Ang anyong tubig ay parte ng mundo na nagtataglay ng tubig,
kadalasang tinatakpan nito and Daigdig.
Ito ay binubuo ng:
Dagat
Ang Dagat ay isang malaking lawas ng tubig-alat na nakadugtong sa isang karagatan, o ng isang malaking lawang-alat na walang likas na lagusan gaya ng Dagat Caspian at Dagat Patay (Dead Sea). Ang Dagat ng Galilee (Sea of Galilee) ay isang maliit na lawang-tabang na may likas na lagusan, ngunit ang katawagan ay ginamit pa rin para dito. Sa kolokyal na gamit, singkahulugan ng katawagan ang karagatan. "DAGAT" isang bahaging likido/fluido o agos sa ating daigdig na malawak na bahagi ng tubig na may alat o asin.Tinatayang ikatlong bahagi ng daigdig ay karagatan kung saan duon nanahan ang napakaraming uri ng hayop gaya ng mga isda,balyena o butanding,pawikan,page,pating at iba pa.Ang tubig dagat ay may maraming uri ng mineral na siyang naging dahilan ng napakayamang bilang ng kaurian ng mga buhay na nilalang dito.Sa katutubong salita ito ay "Atab" na pinagmulan naman ng salitang "taib" o high tide.samantala ang low tide naman ay tinawag na "hibas" sa tagalog, bikol at bisaya.
Karagatan
Ang karagatan ay ang pangunahing bahagi ng anyong tubig, at prinsipal na bahagi ng kalawakan ng tubig o hidrospera. Tinatayang nasa 72% ng ibabaw ng Daigdig (isang lawak ng mga 361 kilometro kwadrado) ang natatakpan ng karagatan, isang patuloy na bahagi ng tubig na nakaugaliang hinahati sa ilang mga pangunahing mga karagatan at maliliit na mga dagat. Ang World Oceans Day ay ipinagdiriwang taon-taon tuwing Hunyo 8
Ilog
Ang ilog ay isang malaking likas na daanang tubig. Maaaring pinagkukunan nito ang isang lawa, isang bukal o pagtitipon ng maliit na mga batis, kilala bilang agos. Mula sa pinagkukunan, dumadaloy pababa ng isang burol ang lahat ng mga ilog, na kadalasang tumitigil sa mga karagatan. Ang mga ilog, dahil ito ay nagbibigay ng inumin sa mga tao noong prehistoriko, ay itinuturing pinagmumulan ng mga kabihasnan.
Look
Ang look (Ingles: gulf, bay, harbor, sound, inlet) ay isang baiya na maaaring gamitin bilang kanlungan ng sasakyang pandagat,katulad ng mga bapor, partikular na kung may malalakas na mga bagyo. Ito ang tinatawag na "braso" ng isang dagat. Golpo ang tawag sa malalaking look. Kaugnay nito, tinaguriang kalookan ang pinakapanloob at kurbadang rehiyon ng isang golpo. Isang halimbawa nito ang look ng Maynila.
Lawa
Ang lawa ay isang anyong tubig na pinapalibutan ng lupain. Karamihan sa mga lawa sa daigdig ay tubig tabang, at halos lahat ay matatagpuan sa Hilagang Hemispero. Tinatawag namang mga panloob na dagat ang mga malalaking lawa.
May mga lawa din na sadyang ginawa para sa paggawa ng mga lakas hidro-elektriko, mga gamit pang-industriya, pang-agrikultura, o upang pagkunan ng tubig.
MGA KILALANG LAWA:
· Antarctica - Lawa ng Vostok (subglacial)
· Asya - Dagat ng Caspian, ang pinakamalaki sa daigdig.
· Australia - Baras-Baras
· Europa - Lawa ng Ladoga, sinundan ng Lawa ng Onega, parehong nasa hilagang kanluran ng Rusya.
· Hilagang Amerika - Lawa ng Superior
· Timog Amerika - Lawa ng Titicaca.
Bukal
Ang bukal ay ang anyo ng tubig na sumusulpot sa mga siwang ng bato. Kadalasang matatagpuan ang mga ito sa dalisdis ng bundok o sa mga lugar na may bulkan. Malamig ang tubig ng mga bukal, samantalang mainit naman ang tubig ng bukal na malapit sa bulkan. May mineral ang tubig dito kaya nakagagamot ng rayuma at mga sakit sa balat.
Kipot
Ang kipot o kakiputan ay Isang makitid na lagusan ng tubig sa pagitan ng dalawang mga pulo. Isang halimbawa ang Kipot ng San Bernardino na matatagpuan sa pagitan ng kapuluan ng samar at sorsogon (bikol).
Talon
Ang talon ay mga daloy ng tubig mula sa isang mataas hanggang sa mababang bahagi ng isang pook. Nabubuo ang mga ito kapag dumadaloy ang tubig mula sa isang lugar na may matitigas na mga batuhan patungo sa mas mabubuwag o mahihinang uri ng lupa, yelo o bato.
Tangway
Ang tangway o peninsula ay isang makitid at mahabang anyong lupa na nakaungos sa dagat o iba pang bahaging tubig. Nagmula ang salitang peninsula sa dalawang salitang Latin na paene na nangangahulugang halos at insula na ang ibig sabihin ay pulo.
Kabilang sa mga tangway sa Pilipinas ang Bataan Peninsula, Bicol Peninsula at Zamboanga Peninsula. Ang isang tangway o tangos (Ingles: peninsula, cape, promontory ay isang lupa na napapaligiran ng tubig sa tatlong sulok. Maaaring maging tangway ang mga punong lupain (headland), tangos (cape), pulong promontoryo, lupaing palabas ng dagat, punto o spit. Isang halimbawa nito ay ang Lungsod ng Cavite (Cavite City), na dating pangalan nito ay Tangwáy.
Sapa
Ang sapa ay maliit na anyong tubig at kadalasang natutuyo kapag tag-init..
Ang heograpiya ay tumutukoy sa mga katangian at tekstura ng isang bansa.Maaari din itong tumutukoy sa iba’t ibang klima,aspeto ng kalikasan at kapaligiran,mga anyong lupa at anyong tubig ,at iba pang pagsasalarawan sa isang bansa ayon sa kanyang pisikal na katangian..
Klima ang isa sa parte ng heograpiya.May apat na uri ng klima sa mundo tag-lamig,tag-init,tag-sibol,at tag-lagas.Ngunit tulad ng pilipinas isang tropikal na bansa tag-araw at tag-ulan lamang ang nararanasan.Maipapaliwanag ito mula sa kanilang latitude at longhitud o lokasyon mula sa ekwador.Ang pilipinas ay nasa gitna,ibig sabihin nakakaranas ito ng tag-araw at tag-ulan.Ang mga nsa ibaba ng ekwador naman tulad ng Australia ay nakakaranas ng kalamigan o “winter season”.Habang ang mga nasa itaas ay ang nakakaranas ng tag-init tulad ng Greenland.
Ang katangian ng lupa ay isa ding aspeto ng heograpiya.Dito pumapasok ang uri ng lupa at iba’t ibang aspeto sa katangian ng lupa .May mga anyong lupa din tulad ng kapatagan,talampas,lambak,bundok, bulubundukin,bulkan,isla at iba pa. May iba’t ibang uri din ng anyong tubig tulad ng sapa,bukal,karagatan,talon,ilog,dagat,golpo,kipot at iba pa.
Sa kabuuan ang Heyograpiya ng bansa ang isa sa mga tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang bansa. Dito mo malalaman ang angkop na pananim, gawi o kapaligiran ng isang bansa. Sa heyograpiya dito mo malalaman ang pagkakaiba-iba ng isang bansa at Malaki ang impluwensiya nito sa gawi o galaw ng mga tao o lipunan sa isang bansang kanilang kinabibilangan. Sa heyograpiya din malalaman ang kanilang katangian mula sa pisikal nitong kaanyuan.
Kung malalaman moa ng heyograpiy ng isang bansa, malalaman mo at mauunawaan ang mga dahilan ng kanilang pagbagsak, pag-unlad o pagyaman. Ang mga kabuhayan man nilang gawin sa lawak at laki ng mundo, maraming pagkaka-kilanlan ang uusbong dito. Ibat-ibang bansa na may sari-sariling pag-unlad. Ang pamumuhay ng isang tao sa isang bansa ay naka-depende din sa heyograpiya nito. Ibat-ibang kaugalian, paniniwala at kagawian ang maaaring umusbong.
Sa heyograpiya malalaman mo kung paano ka makiki-sama sa isang bansa kung paano sila magdesisyon, kumilos, mamuhay o namamalakad. Ang isang maunlad na bansa ay mayroong maunlad na heyograpiya. Hinding-hindi maaalis ang heyograpiya sa isang bansa dahil parte ito ng pagkaka-kilanlan nito.
Mga Anyong Tubig
MGA ANYONG TUBIG
Ang bansang Pilipinas ay nagtataglay ng
likas na yaman, isa na dito ang mga Anyong Tubig.
Ngunit anu-ano nga ba ang mga anyong tubig?
Ang anyong tubig ay parte ng mundo na nagtataglay ng tubig,
kadalasang tinatakpan nito and Daigdig.
Ito ay binubuo ng:
Dagat
Ang Dagat ay isang malaking
lawas ng tubig-alat na nakadugtong sa isang karagatan, o ng isang malaking
lawang-alat na walang likas na lagusan gaya ng Dagat Caspian at Dagat Patay
(Dead Sea). Ang Dagat ng Galilee (Sea of Galilee) ay isang maliit na
lawang-tabang na may likas na lagusan, ngunit ang katawagan ay ginamit pa rin
para dito. Sa kolokyal na gamit, singkahulugan ng katawagan ang karagatan. "DAGAT"
isang bahaging likido/fluido o agos sa ating daigdig na malawak na bahagi ng
tubig na may alat o asin.Tinatayang ikatlong bahagi ng daigdig ay karagatan
kung saan duon nanahan ang napakaraming uri ng hayop gaya ng mga isda,balyena o
butanding,pawikan,page,pating at iba pa.Ang tubig dagat ay may maraming uri ng
mineral na siyang naging dahilan ng napakayamang bilang ng kaurian ng mga buhay
na nilalang dito.Sa katutubong salita ito ay "Atab" na pinagmulan
naman ng salitang "taib" o high tide.samantala ang low tide naman ay
tinawag na "hibas" sa tagalog, bikol at bisaya.
Karagatan
Ang karagatan ay ang pangunahing bahagi ng anyong tubig, at prinsipal
na bahagi ng kalawakan ng tubig o hidrospera. Tinatayang nasa 72% ng ibabaw ng
Daigdig (isang lawak ng mga 361 kilometro kwadrado) ang natatakpan ng
karagatan, isang patuloy na bahagi ng tubig na nakaugaliang hinahati sa ilang
mga pangunahing mga karagatan at maliliit na mga dagat. Ang World Oceans Day ay
ipinagdiriwang taon-taon tuwing Hunyo 8.
Ilog
Ang ilog ay isang malaking
likas na daanang tubig. Maaaring pinagkukunan nito ang isang lawa, isang bukal
o pagtitipon ng maliit na mga batis, kilala bilang agos. Mula sa pinagkukunan,
dumadaloy pababa ng isang burol ang lahat ng mga ilog, na kadalasang tumitigil
sa mga karagatan. Ang mga ilog, dahil ito ay nagbibigay ng inumin sa mga tao
noong prehistoriko, ay itinuturing pinagmumulan ng mga kabihasnan.
Look
Ang look (Ingles: gulf, bay,
harbor, sound, inlet) ay isang baiya na maaaring gamitin bilang kanlungan ng
sasakyang pandagat,katulad ng mga bapor, partikular na kung may malalakas na
mga bagyo. Ito ang tinatawag na "braso" ng isang dagat. Golpo ang
tawag sa malalaking look. Kaugnay nito, tinaguriang kalookan ang pinakapanloob
at kurbadang rehiyon ng isang golpo. Isang halimbawa nito ang look ng Maynila.
Lawa
Ang lawa ay isang anyong tubig na pinapalibutan ng lupain. Karamihan sa mga lawa sa daigdig ay tubig tabang, at halos lahat ay matatagpuan sa Hilagang Hemispero. Tinatawag namang mga panloob na dagat ang mga malalaking lawa.
May mga lawa din na sadyang ginawa para sa paggawa ng mga lakas hidro-elektriko, mga gamit pang-industriya, pang-agrikultura, o upang pagkunan ng tubig.
Mga kilalang
Lawa
·
Antarctica - Lawa ng
Vostok (subglacial)
·
Asya - Dagat ng Caspian,
ang pinakamalaki sa daigdig.
·
Australia - Baras-Baras
·
Europa - Lawa ng Ladoga,
sinundan ng Lawa ng Onega, parehong nasa hilagang kanluran ng Rusya.
·
Hilagang Amerika - Lawa
ng Superior
·
Timog Amerika - Lawa ng
Titicaca.
Bukal
Ang bukal[1] ay ang anyo ng tubig na sumusulpot sa mga siwang ng bato. Kadalasang matatagpuan ang mga ito sa dalisdis ng bundok o sa mga lugar na may bulkan. Malamig ang tubig ng mga bukal, samantalang mainit naman ang tubig ng bukal na malapit sa bulkan. May mineral ang tubig dito kaya nakagagamot ng rayuma at mga sakit sa balat.
Kipot
Ang kipot o kakiputan ay Isang makitid na lagusan ng tubig sa pagitan ng dalawang mga pulo. Isang halimbawa ang Kipot ng San Bernardino na matatagpuan sa pagitan ng kapuluan ng samar at sorsogon (bikol).
Talon
Ang talon ay mga daloy ng tubig mula sa isang mataas hanggang sa mababang bahagi ng isang pook. Nabubuo ang mga ito kapag dumadaloy ang tubig mula sa isang lugar na may matitigas na mga batuhan patungo sa mas mabubuwag o mahihinang uri ng lupa, yelo o bato.
Tangway
Ang
tangway o peninsula ay isang makitid at mahabang
anyong lupa na nakaungos sa dagat o iba pang bahaging tubig. Nagmula ang
salitang peninsula sa dalawang salitang Latin na paene na
nangangahulugang halos at insula na ang ibig sabihin ay pulo.
Kabilang
sa mga tangway sa Pilipinas ang Bataan Peninsula, Bicol Peninsula at Zamboanga Peninsula.
Ang isang tangway o tangos (Ingles: peninsula, cape, promontory ay isang lupa na napapaligiran ng tubig sa tatlong sulok. Maaaring maging tangway ang mga punong lupain (headland), tangos (cape), pulong promontoryo, lupaing palabas ng dagat, punto o spit. Isang halimbawa nito ay ang Lungsod ng Cavite (Cavite City), na dating pangalan nito ay Tangwáy.
Sapa
Ang sapa ay maliit na anyong tubig at kadalasang
natutuyo kapag tag-init..
Ang heograpiya ay tumutukoy sa mga
katangian at tekstura ng isang bansa.Maaari
din itong tumutukoy sa iba’t ibang klima,aspeto ng kalikasan at
kapaligiran,mga anyong lupa at anyong tubig ,at iba pang pagsasalarawan sa
isang bansa ayon sa kanyang pisikal na katangian..
Klima ang isa sa parte ng heograpiya.May
apat na uri ng klima sa mundo tag-lamig,tag-init,tag-sibol,at tag-lagas.Ngunit
tulad ng pilipinas isang tropikal na bansa tag-araw at tag-ulan lamang ang
nararanasan.Maipapaliwanag ito mula sa kanilang latitude at longhitud o
lokasyon mula sa ekwador.Ang pilipinas ay nasa gitna,ibig sabihin nakakaranas
ito ng tag-araw at tag-ulan.Ang mga nsa ibaba ng ekwador naman tulad ng
Australia ay nakakaranas ng kalamigan o “winter season”.Habang ang mga nasa
itaas ay ang nakakaranas ng tag-init tulad ng Greenland.
Ang katangian ng lupa ay isa ding
aspeto ng heograpiya.Dito pumapasok ang uri ng lupa at iba’t ibang aspeto sa
katangian ng lupa .May mga anyong lupa din tulad ng kapatagan,talampas,lambak,bundok,
bulubundukin,bulkan,isla at iba pa. May iba’t ibang uri din ng anyong tubig
tulad ng sapa,bukal,karagatan,talon,ilog,dagat,golpo,kipot at iba pa.
Sa kabuuan ang Heyograpiya ng bansa ang isa sa mga
tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang bansa. Dito mo malalaman ang angkop na
pananim, gawi o kapaligiran ng isang bansa. Sa heyograpiya dito mo malalaman
ang pagkakaiba-iba ng isang bansa at Malaki ang impluwensiya nito sa gawi o
galaw ng mga tao o lipunan sa isang bansang kanilang kinabibilangan. Sa heyograpiya
din malalaman ang kanilang katangian mula sa pisikal nitong kaanyuan.
Kung malalaman moa ng heyograpiy ng isang bansa, malalaman
mo at mauunawaan ang mga dahilan ng kanilang pagbagsak, pag-unlad o pagyaman. Ang
mga kabuhayan man nilang gawin sa lawak at laki ng mundo, maraming
pagkaka-kilanlan ang uusbong dito. Ibat-ibang bansa na may sari-sariling
pag-unlad. Ang pamumuhay ng isang tao sa isang bansa ay naka-depende din sa
heyograpiya nito. Ibat-ibang kaugalian, paniniwala at kagawian ang maaaring
umusbong.
Sa heyograpiya malalaman mo kung paano ka makiki-sama sa
isang bansa kung paano sila magdesisyon, kumilos, mamuhay o namamalakad. Ang isang
maunlad na bansa ay mayroong maunlad na heyograpiya. Hinding-hindi maaalis ang
heyograpiya sa isang bansa dahil parte ito ng pagkaka-kilanlan nito.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)